Tuesday, January 16, 2007

my story #002 --1

ito na naman ako! hehehe..bilis noh?? kasi ung una kong acct,dun nakapost ung ms#1..dahil sa kadahilangang di malaman, hayu't naglalakbay mag-isa sa kalawakan ng internet..haiz..

maintenance ng audition ngaun,kya di ako makapaglaro..la naman ako magawa sa bahay kaya narito, 2makas mula sa bahay..la pa rin naman akong load at pangtxt sa ka-clan..hehehe..maya pa ako papaload..^^

SA SILID-AKLATAN

Kasama ko si Leo. Kumakain kami sa tabi ng silid-aklatan. Nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay tungkol sa aming klase, sa mga asignatura, at sa kung anu-ano pa.Tapos na akong kumain.

"Best, mauna na ako sa silid-aklatan, may kailangan pa akong gawin," pauna ko makaraang tumayo mula sa kinauupuan.
"Sige, hihintayin na lamang kita dito," agad niyang sagot.

Pumasok ako sa silid-aklatan. Dinukot ang panitik at kwaderno mula sa aking bag. Kumuha rin ako ng isang aklat ng literatura at naupo sa isang silya malapit sa isang estante.

"Maaari bang makitabi?" isang matipunong tinig ang bumasag sa katahimikan ng silid.

Tumangad ako upang malaman kung sino ang nagsalita. Isang lalaking nakangiti ang aking nadtnan. Nakatingin sa isang silya sa aking tapat.

"Malaya kang gamitin ang upuan 'yan sapagkat wala namang nakaupo," aking sagot.
"Maraming salamat,"
"Walang anuman."
"Mike."

Laking gulat ko nang magpakilala ang binata. Hindi ko inaasahan ito. Ngunit pinairal ko naman ang pagiging palakaibigan ko.

"Shane, nasa unang taon," pahabol kong tugon.
"Ah, ako'y nasa ikaapat," dugtong niya."Ganoon ba?"
"Oo."

Matapos ng maikling pag-uusap at nagpanumbalik na ako sa aking ginagawa.

"Siya nga pala, saang pangkat ka nabibilang?" busisi niya.
"Ika-sampung pangkat," nahihiyang sagot ko.
"Ah," maikling sagot ni Mike.

Makalipas ang ilang minuto'y may dalawang binatang lumapit sa kanya. May ibinulong. Wari'y importante.

"Shane, maaari pa ba tayong magkita rito bukas?" agad niyang tanong.
"B-bakit?" balik na tanong ko.
"Kelangan na naming bumalik sa klase."
"Ganoon ba? Sige..."
"Bukas ng hapon, alas-2,dito mismo sa mesang ito"
"Oo."
"Hihintayin kita."

Matapos mabanggit ang huling pangungusap ay agad nang umalis si Mike. Bago pa man siya tuluyang makalabas ng pinto ay muli siyang sumulyap sa akin.

Bakit ganito ang aking nararamdaman? May mabilis at malakas na tibok ang aking puso. Maya-maya'y may tumapik sa aking balikat.

"Best, hindi ka pa rin ba tapos? Maaari ko bang malaman kung anong iyong ginagawa nang ika'y aking matulungan?" alok ni Leo.
"Hindi na. Bukas ko na lamang tatapusin ito," pagtanggi ko.
"Tara na?" pagyaya niya.
"Sige."

Bago pa ako makalayo sa mesa ay may napansin akong isang bagay. Isang ID. Laking gulat ko nang makita kung sino ang nasa larawan. Si Mike. Unang pangkat. Siya ay nasa unang pangkat. Isa lamang ang nangangahulugan nito. Mahusay pala pagdating sa akademiko ang binatang iyon, isa sa mga katangiang hanap ko sa isang lalaki.

Anong ibig sabihin nito? Ang pagtatagpo namin sa silid-aklatan. Ang pagtabi niya sa akin. Ang pagpapakilala niya. Ang pakikipag-usap niya. At ang pag-aaya niya na muling makpagkita sa kanya kinabukasan. Ano ito? May kahulugan ba ito?


...to be continued... ^^

my story #001

..hello readers!!

haiz..gus2ng gusto ko tlga magdrawing ng kng anu ano..at xempre appreciated un lahat ng mga nagmamahal kong klsmeyt at mga friendz,dahilan ng maaga kong pagsikat..hehehe! joke lng..

mahilig din ak0 magsulat ng mga kwentong barber0..hahaha!!basta bigyan mo ako ng maraming matitinong papel at panitik,asahan mo,magiging busy ako sa pagdrawing..pati pagsulat ng kng anu anong kwent0 na walang kabuluhan sa iba,per0 meaningful para sa kin.. ^^

KAIBIGAN LANG

“Hapon na,” sabi ni Aaron sa akin.
“Alam ko,” sagot ko.

Kapwa kaming walang magawa. Magkatabi sa taas ng bubong ng kanilang malaking bahay habang pinapanood ang paglubog ni Pebo sa likod ng kabundukan. Nais ko nang bumaba ngunit hindi ko kayang maiwan si Aaron nang nag-iisa.

“Bababa ka na ba?” kanyang tanong na nakatingin sa akin.

Tila nahalata niya ang aking nararamdaman. Nangungusap ang kanyang mga mata. Sa kanyang mga mata ako nakatitig. Akin itong binabasa. Wari’y nakikiusap na samahan ko muna siya.

“H-hindi pa naman. Hangga’t narito ka, ako’y m-manitili,” nauutal kong sagot.
“Baka napipilitan ka lang. Ayos lang sa akin kung nais mo nang sumilong,” kanyang tugon.
“Hindi ah,” sagot ko.
“Talaga?” panigurado niya.
“Oo naman.”
“Maraming salamat, Nika, tunay kang kaibigan.”

Kaibigan? Kaibigan lang pala ang turing niya sa akin. Talagang kaibigan lang. Nakalulungkot isipin. Sa tagal ng panahon naming nagsasama ay kaibigan pa rin pala ang kanyang nadarama para sa akin.

Bakit ba? Ah, dahil mahal ko na siya. Sa lahat ng naging kaibigan kong lalaki, siya ang pinaka espesyal. Siya ang pinakamahalaga sa lahat. Siya lang. Wala nang iba.

Wala akong magagawa kundi itigil ang pagtibok ng aking puso para sa lalaking ito. Isiping isa lamang itong ilusyon na nararapat mawala, nararapat mabura, nararapat ibaon sa limot.

Kasabay ng paglubog ng araw sa kalangitan, sa paghimbing ng mga nilalang, aking iwinaksi ang aking nararamdaman para kay Aaron. Mahal ko siya, sa panaginip na lamang ibubulong. Sa pangarap na lamang uusbong, ‘di na nararapat buhayin sa katotohanan.

“Ayos lang iyon, kaibigan ko,” sagot ko matapos kausapin ang sarili. “Ako’y mauuna na.”

Sabay ng paghakbang ng aking mga paa sa bubong ay ang pag-agos ng aking mga luha mula sa mga mata. Masakit para sa akin ang mga simpleng salitang kanyang binanggit.Pero sa kabilang banda, natanggap ko na. Natanggap ko na ako’y kanyang kaibigan lang. Kaibigang may pagtingin sa kanya...